Sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Magna Carta for Seafarers na naglalayong tugunan ang mga pagkukulang sa lokal na batas kaugnay ng pagsasanay at certification ng mga Pinoy seafarers, partikular ang mga sumasakay sa barkong may European flag.
Sa liham na ipinadala ni Pangulong Marcos sa Senado, sinabi nitong napakahalagang maisabatas agad ang Senate Bill No. 2221 o An Act of Providing for the Magna Carta of Filipino Seafarers dahil nanganganib ang trabaho ng libu-libong Pinoy seafarers.
“The certification was made “in order to address recurring deficiencies in our domestic laws pertaining to the training and accreditation of thousands of Filipino seafarers which endanger their employment in the European market in particular, and the global maritime arena in general,” ayon sa sulat ni Pangulong Marcos kay Senate President Juan Miguel Zubiri noong Setyembre 25.
“The bill guarantees to the international community that the Philippines will comply with its obligations of ensuring that our training, facilities, and equipment are at par with international standards and those set by relevant conventions,” ayon pa sa Pangulo.
Nakabinbin para sa ikalawang pagbasa ang Magna Carta sa Senado samantalang pasado na ang bersiyon ng Kamara sa ikalawa at ikatlong pagbasa.