Isasama na sa pre-employment requirement ng Supreme Court (SC) ang drug testing para sa mga nagnanais na magtrabaho sa hudikatura.
Sa anunsyong inilabas ng SC nitong Lunes, bahagi ito ng guidelines para sa implementasyon ng Drug-Free Policy sa Judiciary.
Bukod dito, lahat ng empleyado sa korte ay isasailalim din sa random mandatory drug tests.
Ang sinomang mapapatunayan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaring patawan ng parusa o maaaring maging ground para sa suspensiyon o termination ng kanilang employment.
Kabilang sa mga sakop ng guidelines ang mga empleyado at opiysal na SC, Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, Court of Tax Appeal (CTA), first at second–level courts sa ilaim ng Office of the Court Administrator
Sakop din nito ang mga empleyado sa Judicial at Bar Council (JBC), Judicial Integrity Board, (JIB) Philippine Judicial Academy (PJA), Office of the Judiciary Marshals (OJM), Mandatory Continuing Legal Office at lahat ng iba pang tanggapan sa ilalim ng Supreme Court.
Ang batas ay magiging epektibo matapos ang publication nito sa mga mga pahayagan sa September 17.
Ulat ni Baronesa Reyes