Kasabay ng pagpapahayag ng kalungkutan at pakikiramay dahil sa malakas na lindol na kumitil sa buhay ng mahigit 2,800 Moroccan at puminsala sa 2,600 iba pa, nag-alok ng tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para mas mabilis na makaahon ang bansa mula sa trahedyang sinapit nito.

“The Philippines is ready to offer assistance and any support that may be needed for the swift recovery of your nation. We have faith in the strength and resilience of the Moroccan people to unite and rebuild in the face of such adversity,” ayon sa pahayag ng Pangulo.

Ayon sa ulat, 2,865 ang nasawi samantalang 2,562 naman ang sugatan, nang paguhuin ng 6.8 magnitude na lindol ang maraming kabayahan at gusali Marrakesh, isang bayan sa Morocco. Ito na ang pinakamalakas na lindol na naitala sa kasaysayan ng naturang bansa sa North Africa.

Samantala, nakikipaghabulan naman sa oras ang mga rescuer na binubuo ng lokal at dayuhan, para iligtas ang iba pang natabunan ng mga gusali dahil sa lindol.