Nakalabas na ang Bagyong “Ineng” sa Philippine area of responsibility (PAR) subalit bahagya pa rin nitong palalakasin ang Habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA specialist Obet Badrina, namataan si Bagyong “Ineng” (International Name: Yun-Yeung), kaninang alas-4:00 ng umaga, sa layong 1,240 kilometro mula sa bansa.

Kumikilos ang sentro ni “Ineng” silangan-hilagang-silangan ng pinakadulo ng Hilagang Luzon na may lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour (KPH), malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 70 kph, ayon kay Badrina.

Ayon pa sa weather specialist, inaasahang gaganda na ang panahon sa mga susunod na araw, sa paglayo ng Bagyong “Ineng” na tinutumbok na ang karagatan sa katimugang bahagi ng Japan.