Hindi katanggap-tanggap para sa Pilipinas ang bagong bersiyon ng mapa ng China kung saan ipinakikita ng huli ang 10-dash line na tumutukoy sa mga inaangking teritoryo ng huli sa South China Sea.
“This latest attempt to legitimize China’s purported sovereignty and jurisdiction over Philippine features and maritime zones has no basis under international law, particularly the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos),” inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay bilang reaksiyon sa inilibas na mapa ng Ministry of Natural Resources ng China noong Agosto 23. 2023 nakinokontra ng India at Malaysia dahil sinakop din nito ang kanilang mga teritoryo.
Ang “standard map” na inilabas ng Global Times, isang pahayagan na nakabase sa Beijing na pagaairy ng Chinese government, ay umaangkin sa malaking bahagi ng South China Sea, kabilang na ang 200-mile exclusive economic zone ng West Philippine Sea (WPS).
Nakasaad din sa naturang mapa na saklaw ng China ang Taiwan at pati rin ang mga hilaga-silangang rehiyon ng India na kinabibilangan ng Arunachal Pradesh at Aksai Chin.
“It categorically stated that ‘maritime areas of the South China Sea encompassed by the relevant part of the ‘nine-dash line’ are contrary to the Convention and without lawful effect to the extent that they exceed the geographic and substantive limits of China’s maritime entitlements under the Convention,'” dagdag pa ng DFA.
“The Philippines, therefore, calls on China to act responsibly and abide by its obligations under Unclos and the final and binding 2016 Arbitral Award,” giit ng Kagawaran.