Pormal nang nanumpa si Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang political group na bagong itinatag ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tulad ng kanyang ama, si Rep. Sandro ay dating miyembro ng Nacionalista Party (NP) na ngayo’y pinamumunuan ng real estate mogul Manuel “Manny” Villar.
Maging ang lolo ni Rep. Sandro, na si yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ay naging miyembro rin ng NP nang mahigit isang dekada nun kainitan ng kanyang political career bago nito itinatag ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) noong panahon ng Martial Law.
“It is my distinct pleasure to announce that I, along with a number of governors, joined Partido Federal ng Pilipinas earlier today. I look forward to working with my new party mates and more importantly, furthering the President’s agenda for nation building. Mabuhay ang PFP!” ayon kay Rep. Sandro sa kanyang post sa social media.
Una nang nanumpa bilang miyembro ng PFP si Sen. Imee Marcos kasama ang ibang kaalyado sa pulitika. Ang oath taking ceremony ay ginanap sa Malacanang noong Huwebes, Agosto 24.
Isa sa mga pangunahing adhikain ng PFP ay ang pagsusulong ng federal system of government bilang kapalit ng presidential form.