May kabuuang 880 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa iba’t ibang piitan sa ilalim ng Bureau of Corrections(BuCor) sa isinagawang culminating ceremony ngayong araw, Huwebes, Agosto 24.
Nasa 196 sa pinalaya matapos mabigyan ng parole, 200 ang pinawalang-sala na, 38 inilagay sa probation, habang 27 ang paso na ang expiration of maximum sentence (EMS). Aabot naman sa 414 natapos na ang sentensiya na may good conduct time allowance (GCTA).
Samantala, pinalaya rin ang siyam na preso matapos ma-absuwélto sa kasong kinasangkutan, isa ay dahil sa EMS at GCTA, isa ang binigyang ng probation na pinalaya on recognizance, at apat ay naghain ng cash bond.
Sa 880 na PDL na pinalaya sa New Bilibid Prison kung saan 185 rito ay galing sa Maximum Security Compound; 151 sa Medium Security Compound; 25 sa Minimum Security Compound; 13 sa Reception and Diagnostic Center; lima sa Philippine Military Academy (PMA); 101 sa Leyte Regional Prison; 58 sa San Ramon Prison and Penal Farm; 25 sa Sablayan Prison and Penal Farm; at 29 naman ang galing sa Iwahig Prison and Penal Farm.
Aabot naman sa 92 PDL ay sa Correctional Institution for Women; at 196 sa Davao Prison and Penal Farm.
Sa kanilang paglaya, dala ng PDLs ang Certificate of Discharged from Prison, grooming kit, gratuity at transportation allowance.
Dumalo sa nasabing culminating activity sina Justice Assistant Secretaries Mico Clavano, Francis John Tejano, Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Persida-Rueda Acosta, at Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., at BuCor Deputy Director Geneneral for Operations Gil Torralba.
Binati naman ni Bucor Director General ang mga lumayang PDL at sinabing masaya siya para sa ito.
“Culminating activity is the most awaited part in the lives of our PDLs since it is time to be with their families and loved ones. For some, it will provide them with new opportunities in life to start all over again,” sabi ni Catapàng.
–Mores Heramis