Matatapos bago magsara ang 2023 ang 12 pangunahing proyektong pang-imprastruktura ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Batay sa datos ng NEDA, inaasahang mtatapos ngayong taon ang C5 South Link Expressway Project, Southeast Metro Manila Expressway Project, at ang panukalang Virology Science and Technology Institute of the Philippines.

“Four of those projects are on schedule, one is ahead of schedule, the rest have some challenges but we are speeding up in addressing those challenges,” ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Inaasahan naman na 16 pang mga proyekto ang matatapos sa 2024, ayon pa rin kay Balisacan.

Ayon sa NEDA, nasa 194 infrastructure projects ang nailatag na ng gobyerno at 71 malalaking proyekto ang kinikumpuni ngayon, anang hepe ng NEDA.

Ang mga ito ay nagkakahalaga ng ₱4 trilyon at may magandang epekto sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ng kalihim, sa nalalabing 123 high-impact infrastructure projects, 27 rito ang naaprubahan na para sa agad na implementasyon, walo ang aaprubahan pa lang, 52 ang inihahanda pa lamang at 36 ay nasa pre-project preparation phase na.

Photo of NEDA Sec. Arsenio Balisacan (right) and Finance Sec. Benjamin Diokno from NEDA Official Facebook page