Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll hike petition na inihain ng Metro Pacific Tollways Corporation para sa dalawang tollway systems nito sa Manila-Cavite-Expressways (CAVITEX).
Base sa anunsiyo ng MPTC, itong pinakahuling petisyon para sa periodic toll fee hike ay inihain ng CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) at Philippine Reclamation Authority (PRA) noong pang 2017.
Nakasaad din sa anunsiyo na saklaw na ng bagong toll fee ang value-added tax (VAT) para sa tatlong kategorya ng sasakyan.
Narito ang bagong toll fee matrix ng mga MPTC-owned tollways na magiging epektibo sa 12:01am ng Agosto 21, 2023:
CAVITEX R1 (Paranaque Toll Plaza)
Class 1 – Php 35.00
Class 2 – Php 70.00
Class 3- Php 104.00
CAVITEX R1 Extension (Kawit Toll Plaza)
Class 1 – Php 73.00
Class 2 – Php 146.00
Class 3- Php 219.00
Bubuhayin din ng CIC ang “Abante Card” para sa mga driver ng pampublikong saksakyang pasok sa Class 1 at Class 2 categories para lilitaw na old toll rates pa rin ang babayaran nila sa loob ng tatlong buwan sa pamamagitan ng rebate program.