Island

Palawan ang “most preferred” tourist destination para sa mga Pilipino, ayon sa latest survey na isinapubliko ng Publicus Asia nitong Huwebes, Hunyo 29.

Nasa 23 porsiyento ng respondents sa Pahayag 2023 Second Quarter survey ang nagpahayag ng interes na pasyalan ang Palawan, na kilala sa white sand beaches nito.

Noong 2022, kinilala ang Palawan bilang “most desirable island” sa mundo sa Wanderlust Travel Awards, kasunod ng pagkakabilang nito sa world’s top 25 islands noong 2021.

Samantala, pumangalawa sa paboritong pasyalan ng mga Pilipino ang Baguio City, na may 16%, kasunod ang Cebu at Siargao (9%), Boracay (8%), habang nasa dulo ng listahan ang Bohol (4%) at Davao (3%).

“The enchanting beauty of Palawan, the charm of Baguio City, and the cultural experiences offered by Cebu, Siargao, Aklan, Batanes, Bohol, and Davao have all contributed to their popularity among travelers,” anang Publicus Asia.

Hunyo 7-12 isinagawa ang independent at non-commissioned survey sa 1,500 respondents mula sa Metro Manila, North Central Luzon, South Luzon, Visayas, at Mindanao.

ByRAD