Napabilang ang mga putaheng Pinoy na inasal at adobo sa ‘100 Best Rated Chicken Dishes in the World’ ng food website na Taste Atlas.

Pumuwesto sa ika-15 ang sikat na inihaw na manok ng Bacolod City makaraang tumanggap ng 4.5 our of 5 stars mula sa Taste Atlas.

Ang adobong manok, pang-73 naman sa pinakamasasarap na chicken dishes sa mundo sa nakuhang 4 rating.

Ang grilled chicken kebab ng Iran na jujeh kabab ang nanguna sa listahan sa 4.8 rating.

Sinusundan ito ng dak galbi ng South Korea, may 4.7 stars, at Indian butter chicken na murgh makhani ang pangatlo sa 4.6 rating.

ByRAD