Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa Nobyembre 10, at tatagal hanggang Hulyo 30, 2027, para sa mga nais magparehistro bilang botante at sa mga kailangang mag-update ng kanilang mga impormasyon.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, maaaring na rin umanong magpa-reactivate ng rehistro, maglipat ng registration sa ibang lugar, at magpalit ng impormasyon sa itinakdang panahon.

Pinayuhan naman ng ahensya ang mga kuwalipikadong botante na samantalahin na ang ibinigay na panahon ng pagpaparehistro para matiyak na tama at aktibo ang kanilang mga voter records bago ang susunod na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *