Limang araw bago ang pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Lunes, Hulyo 6, nagpasalamat sina House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro at Atty. Lorna Kapunan, na kabilang sa mga private prosecutors, sa publiko na nanindigan na matuloy ang proseso upang lumabas ang katotohanan hinggil sa mga alegasyong ipinukol sa Bise Presidente.

‘Ngayong malapit na ang impeachment, kailangan po tayong manalangin…hindi lang para sa prosekusyon, ipinalangin din natin ang depensa,” ayon kay Kapunan.

Dumalo sina Luistro at Kapunan sa thanksgiving mass na ginanap ngayong Huwebes, Hulyo 2 para sa impeachment.

“Ipinalangin din po natin na lumabas po ang katotohanan,” panawagan ni Kapunan sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *