Pinagsusumite ng Office of the Ombudsman ng counter-affidavits sina senators Alan Peter Cayetano, Robinhood Padilla, at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng reklamong paglabag sa Presidential Decree No. 1829 o Obstruction of Justice na inihain laban sa kanila.

May kaugnayan ito sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa Senado matapos ang insidente ng pamam4ril sa Mataas na Kapulungan noong Mayo 13.

Matatandaang ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, nagkasundo sila ni Cayetano na ilagay si Dela Rosa sa “protective custody” ng Senado kaya’t hindi muna inaresto ngunit kalaunan ay nakatakas ito sa tulong ni Sen. Robin.

Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) at kasalukuyang may arrest warrant mula sa international tribunal.

Batay sa kautusang inilabas ng Ombudsman noong Hunyo 23, binigyan ang mga respondent ng 15 araw mula sa pagtanggap ng order upang magsumite ng kanilang sagot at mga ebidensiyang pabor sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *