Hiniling ng House prosecution panel sa Senado na mabuksan ang mga naka-seal na rekord mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng nagpapatuloy na impeachment proceedings.
Ayon sa mga prosecutor, mahalagang masuri ang mga dokumentong ito kaugnay ng mga alegasyon sa kaso.
Matatandaang noong Abril, nagpasya ang House Committee on Justice na huwag munang buksan ang kahon ng mga tax records at sa halip ay isama ito sa opisyal na rekord ng impeachment proceedings, habang iniiwan sa Senado ang pagpapasya kung dapat itong mabuksan sa paglilitis.
