Ngayong natuldukan na ang leadership crisis sa Senado, umaasa si House Deputy Speaker Paolo Ortega V na pagtutuunan na ng atensiyon ng Mataas na Kapulungan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ang pagpapasa ng mga natitirang priority bills.

“It’s high time we focus on work. Saka kasama na rin po dun sa trabaho ‘yung impeachment trial na magaganap,” sabi ni Ortega, mula sa La Union.

“Sabi ko nga in the last few days, parang may play-offs eh. Parang ang daming ganap, daming nangyayari,” sabi ni Ortega, inihalintulad sa basketball game ang mga huling kaganapan sa Senado.

“But siyempre, ‘yung taumbayan, inaantay pa rin po nila ‘yung NBA Finals. ‘Yung NBA Finals, siyempre, ‘yung ating impeachment trial,” ani Ortega.

Itinakda ng Senate impeachment court sa Huwebes, Hunyo 18, ang pre-trial conference, habang sisimulan ang aktuwal na paglilitis sa Hulyo 6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *