Inihayag nina Acting Senate President Sherwin “Win” Gatchalian at Sen. Erwin Tulfo na pinag-aaralan nila kung anong legal action na maaari nilang gawin laban sa dating kongresistang si Mike Defensor matapos magsagawa ng kanilang bersiyon ng ‘Blue Ribbon Committee hearing’ sa Mandaluyong City ngayong Martes, Hunyo 16.

“Pinag-aaralan namin ang legal action dahil niloloko niya ang taumbayan. Hindi tama ‘yan dahil pag ginagamit niya ang titulo ng Senado, hindi tama ‘yan dahil panloloko ang ginagawa,” ani Gatchalian.

“Niloloko niya ‘yung tao, gumagawa siya ng confusion dahil dun sa post niya na Blue Ribbon hearing e hindi naman siya chairman, hindi naman siya member [ng komite], hindi naman siya senador. Bakit niya nililinlang ang tao?” ani Gatchalian.

Nauna nang kinumpirma ni Tulfo na naihalal na chairman ng Blue Ribbon Committee noong Hunyo 3 na walang pagdinig ang komite ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *