Nasa kamay na ng Southern Police District ang isang driver mula National Bureau of Investigation (NBI) na itinuturong suspek sa naganap na “putukan” sa loob ng Senado nitong Miyerkules, Mayo 13 ng gabi.
Batay sa ulat ng The Philippine Star, kinilala ang suspek na si Mel Oragon, 44-anyos, na umano’y nagtatrabaho bilang driver ng National Bureau of Investigation (NBI).
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa insidente.
Ulat ni Bea Tanierla
