“Bakit ang daling umaksyon ni Ombudsman Remulla sa pagpalabas ng PHDO at freeze order sa assets ni xSMR na ang binasehan ay testimonya ni Guteza, Discayas at 2 anonymous na babae, pero ang bagal ng aksyon kina Chiz, Jinggoy at Joel na si Usec Bernardo ang testigo?” puna ng political commentator na si Benjie Contreras.

Pinuna ng political commentator na si Benjie Contreras ang aniya’y “daling umaksiyon” ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa paglalabas ng preventive hold departure order (PHDO) at freeze order laban kay dating House speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez habang “ang bagal” naman umano para sa mga kapwa nadadawit ang pangalan sa flood control scandal na sina Senators Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva.

Ito, ayon kay Contreras, ay kahit testimonya ng dating security detail na si Orly Guteza, ng mag-asawang contractor na Curlee at Sarah Discaya, at ng “2 anonymous na babae” ang pinagbasehan ng Ombudsman sa umano’y pagkakasangkot ni Romualdez sa kontrobersiya.

Ikinumpara ni Contreras ang kaso ng dating House leader sa magkakaalyadong sina Escudero, Estrada, at Villanueva na idinawit ng isa sa mga umaming sangkot sa flood control projects scandal na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo.