Sa supplemental affidavit na isinumite sa impeachment proceedings ng House Committee on Justice ngayong Martes, Abril 14, ibinunyag ni Ramil Madriaga na sa utos ni dating pangulong Rodrigo Duterte, personal niyang kinuha ang P100 milyong cash mula sa isang bangko sa Lubao, Pampanga at dinala ang pera sa Malacanang.

“PRRD directed me on three separate occasions to pick up P100,000,000.00 from a bank inside a mall in Lubao, Pampanga which were all delivered to Malacañang. On another incident, I was informed by PRRD that two Landbank Manager’s Check, which were to be delivered in one of our safehouses in Eastwood, Quezon City in the amounts of P84,200,000.00 and P4,800,000.00, respectively, were issued under my name,” ani Madriaga.

Sa isa pang insidente, dalawang tseke naman na nakapangalan umano kay Madriaga ang kinuha niya, may kabuuang halaga na P89 milyon, para dalhin sa “our safehouses” sa Eastwood, Quezon City.