Dumating sa Sandiganbayan Third Division sina Sen. Rodante Marcoleta at former congressman Mike Defensor ngayong Miyerkules, Hulyo 15, ng umaga para sa pagdinig sa kasong plunder na isinampa laban sa kanila.
Kapwa naghain ng “not guilty” plea sina Marcoleta at Defensor sa kaso na kanilang kinahaharap sa anti-graft court.
Matatandaang inaresto ang dalawa noong Hulyo 6 kaugnay ng umano’y hindi idineklarang P75 milyong campaign donation na umano’y natanggap ni Marcoleta mula kay Defensor at sa dalawa pang negosyante.
Mariin namang itinanggi ni Marcoleta ang mga alegasyon.
Iginiit niyang ang naturang pondo ay mula sa kanyang mga kaibigan at pribadong donasyon, at hindi nagmula sa kaban ng bayan.
