Naghain si Manila 2nd District Rep. Ronaldo Valeriano ng isang resolusyon sa Kamara na humihiling ng 50 porsiyentong diskuwento sa tollway fee bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Inihain ni Valeriano, chairman ng House Committee on Public Order, ang Resolution No. 879 na may layuning bawasan ang bayarin sa mga tollway tuwing pumapalo sa $80 kada bariles ng petrolyo o higit pa sa global market.

Nakasaad sa Resolution No. 879 na na hihikayatin ng Kamara de Representantes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-isyu ng isang executive order na nag-aatas sa Toll Regulatory Board (TRB) na gamitin ang kapanyarihan nito upang maibaba ang toll fee tuwing may krisis sa langis.

Aniya, dapat tuluy-tuloy ang pagpapatupad ang toll fee discount habang hindi bumababa ang presyo ng krudo sa $80 per barrel.

Matatandaan na himigit na sa $100 kada bariles ang presyo ng krudo nitong nakaraang linggo bunsod ng lumalalang kaguluhan sa Gitnang Silangan, partikular ang pagsasara ng Strait of Hormuz ng pamahalan ng Iran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *