May ₱1 milyong pabuya na alok para sa anumang impormasyon upang maaresto ang mga suspek na pumatay kay Bulacan police officer Staff Sgt. Renato Casauay Jr., ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.
“I am announcing a ₱1-million reward for information leading to the arrest of Mon Salamat and company,” sabi ni Remulla.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang pangunahing suspek na si Julian Salamat, alyas “Mon,” na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad kasama ang anim pang indibidwal.
Matatandaang natagpuang wala nang buhay si Casauay sa loob ng isang septic tank sa bakuran ng isang bahay sa Malolos City noong Enero 31 ng madaling araw.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
