Inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ngayong Martes, Pebrero 3, ang panukalang batas na layong ipatupad ang “no work, no pay” compensation scheme para sa mga miyembro ng Kongreso.
Ito ay upang matiyak umano na ang mga mambabatas ay patuloy na maglilingkod nang may pananagutan sa tungkulin.
Sa ilalim ng panukalang No Work, No Pay for Members of Congress Act (House Bill 7432), layunin nitong ipantay ang sahod at mga benepisyo ng mga kongresista at ng mga senador sa kanilang aktuwal na pagdalo sa mga plenary session, committee hearing, at iba pang opisyal na tungkulin.
Inaatasan din ng panukala ang paglalathala ng attendance records, na ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, ang pagsasaayos ng sahod ng mga mambabatas ay malinaw na pinahihintulutan ng Konstitusyon.
Sa kasalukuyan, may buwanang sahod ang bawat senador at kongresista na nagkakahalaga ng ₱300,000.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
