Nakikita umano ni International Criminal Court (ICC)-accredited lawyer Joel Butuyan na ginawa ang paghain ng Senate resolution na humihiling sa ICC na ipa-house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang mabaling ang atensyon ng mga tao mula sa isyu ng kontrobersyal na flood control scam.
“Ang nakikita kong game, or play dito, ay gusto nilang isantabi ‘yung mainit na usapin tungkol sa flood control corruption scandal kaya inihain ito para pang-deflect sa atensyon ng mga tao,” saad ni Butuyan.
“Gusto nilang (mga senador) isantabi ‘yung mainit na usapin tungkol sa flood control corruption scandal,” ani Butuyan sa isang panayam sa DZMM Teleradyo noong Huwebes, Oktubre 2.
Inihayag niya rin na makikita na “medyo involved” umano ang ilang mga senador na bumotong pabor sa naturang Senate resolution, sa isyu ng flood control scam.
“Sabi nga ni Senator Ping eh, mangilan-ngilan lang ‘yung ‘di involved noh. Halos lahat [ay involved], so talagang makikita mo meron ‘yung play na ‘yan,” dagdag pa ng abogado.
Ulat ni Jilliane Libunao
