Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng bus at terminal operators sa buong bansa na magsagawa ng mga kinakailangang improvements at upgrade sa kanilang pasilidad sa loob ng 60 araw, kung hindi ay haharap sila sa administrative sanctions at penalties.

Iginiit ng LTFRB na mahalaga ang mga hakbang na ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at dapat umano itong unahin ng mga bus at terminal operators.

Inutusan din ang mga kompanya ng bus na magsagawa ng self-assessment gamit ang itinakdang pamantayan at magsumite ng compliance plan sa loob ng limang araw matapos ilabas ang LTFRB resolution.

Para masiguro ang pagsunod dito, magsasagawa umano ang LTFRB ng final inspection at validation visit, at ang mga mabibigong sumunod ay papatawan ng parusa o multa.