Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang pagkakabuwag ng isang grupo ng mga insider na nasa likod ng hindi awtorisadong pagkaltas sa sahod ng mga empleyado upang ilipat sa kanilang personal account.

Sa isang press statement, sinabi ni Artes na mismong siya ang naghain ng reklamo sa Prosecutor’s Office laban sa mga tiwaling tauhan ng MMDA na nasa likod ng payroll scam at inihahanda na ang inquest proceedings laban sa mga ito.

Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, nagpapatuloy ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensiya laban sa mga empleyadong sangkot sa anomalya dahil target nila na hindi makapagpiyansa ang mga suspek.

Sinabi rin ni Lipana na kinumpiska na rin ng ahensiya ang kanilang office computer at isinailalim na sa preventive suspension habang isinasagawa ang internal audit sa payroll system ng MMDA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *