Aksidenteng naisali ang isang US journalist sa group chat kung saan pinag-uusapan ng top American officials ang nakatakdang pag-atake nila sa rebeldeng Huthi ng Yemen.

Matatandaang inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pag-atake noong Marso 15, 2025.

Ngunit, sa nakakagulat na artikulong inilabas ng Atlantic magazine, sinabi ng editor-in-chief nito na si Jeffrey Goldberg, na una niyang nalaman ang detalye ng pag-atake sa isang group chat sa Signal.

“I, however, knew two hours before the first bombs exploded that the attack might be coming. The reason I knew this is that Pete Hegseth, the secretary of defense, had texted me the war plan at 11:44 a.m,” saad ni Goldberg.

Kinumpirma naman ni US Security Council spokesman Brian Hughes na ang mga natanggap na mensahe ni Goldberg ay tunay, at iniimbestigahan na umano kung paano naisali ang kanyang numero sa chain.

Ang naging leak sa komunikasyon ng awtoridad ay lubhang mapanganib lalo kung naisapubliko ito bago maganap ang pag-atake dahil ayon kay Goldberg, nasa group chat ang mga impormasyon tungkol sa targets, weapon packages, at timing.

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *