Inihayag ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong sa press conference ng House of Representatives noong Lunes, Pebrero 17, na “disheartening” umano ang binitawang “kill threat” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na proclamation rally ng kanyang political party na PDP-Laban sa San Juan City noong Huwebes, Pebrero 13.
“It’s so disheartening for public officials to say these things… it should concern all of us because hindi dapat manormalize yung salita na ‘patayin,'” saad ni Adiong.
Ito ay bilang pagpapaliwanag niya sa kaniyang naging pahayag nitong Linggo, Pebrero 16, kung saan hinikayat niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang naturang “kill threat.”
“Kung ang pagsabi ng bomb joke ay bawal sa batas at may kaakibat na kaparusahan, lalo na dapat ‘yung banta na magpapatay ka ng 15 senador… hindi niya puwedeng itago sa joke ang pagbabanta sa mga senador,” dagdag ni Adiong.
Ulat ni Ansherina Baes