Pinuna ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang naging “banta” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na proclamation rally ng kanyang political party na PDP-Laban sa San Juan City noong Huwebes, Pebrero 13.

“Dapat siguro, kasuhan din ang dating Pangulong Duterte sa ginagawa niyang pananakot, gaya ng pag-file ng complaint ng National Bureau of Investigation kay VP Sara Duterte,” saad ni Khonghun.

“Kung makapatay tayo, tanan, mga 15 na senador. Pasok na tayo lahat,” saad ng dating Pangulo.

“Pareho silang mag-ama,” saad ni Khonghun tungkol sa dating Pangulo at sa anak nito na si Vice President Sara Duterte.

Idinagdag pa niya na “dapat siguro” ay kasuhan din ang dating Pangulo tulad ng kaniyang anak dahil sa ginagawa nitong pananakot tulad ng pag-hain ng complaint laban kay VP Sara dahil sa kaniyang banta kay President Ferdinand R. Marcos Jr.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *