Hinikayat ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Rep. Jil Bongalon ang mga botante na manindigan laban sa mga “pro-China candidates” sa May 12 midterm elections at sa halip, suportahan ang “Team Pilipinas” na kinabibilangan ng mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos.
“This is no ordinary election. It is a fight for the future of our country, We can either elect leaders who will defend our sovereignty and push for real reforms, or we let pro-China politicians regain power and sell our nation’s interests once again,” sabi ni Bongalon.
Sinabi ni Bongalon na ang Team Pilipinas ay binubuo ng kandidato mula sa mga partido na kaalyado ng administrasyon tulad ng Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), at Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Ang mga ito, aniya, ay determinado na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas laban sa panghihimasok ng China, pagpapababa ng presyo ng bilihin, at pagsusulong ng tunay na economic progress.
Sinabi ni Bongalon na ito ay salungat sa ipinaglalaban ng “Team China” na binubuo ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itinuturing na ‘tuta’ ng Beijing, na bumabalewala sa kapakanan ng mga Pinoy fishermen, at nasa likod ng pagwasak sa mga institusyon ng gobyerno.
“These pro-China politicians let Beijing trample on our rights in the West Philippine Sea. They made excuses for Chinese aggression and questioned our own legal victory in The Hague. Why should we allow them back into power?,” tanong ni Bongalon.