Inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco na posibleng maghain ng pang-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.

Inihayag ni Velasco nitong Huwebes, Enero 2, na posibleng ihabol ang pang-apat na complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.

“If they file it on Monday, I will have to make a decision whether I will then refer it to the Speaker or delay it further,” saad ni Velasco.

Kasalukuyang bineberipika ng Office of the Secretary-General ang tatlong inihain na impeachment complaint laban kay Duterte.

Inamin naman ni Velasco na nasa 10 hanggang 12 na miyembro ng Kamara ang nagpahiwatig na may plano itong mag-endorse ng isa sa tatlong impeachment raps.

Hindi pinangalanan ni Velasco ang mga miyembro ng Kamara.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *