Kinumpirma ni Prosecutor General Richard Fadullon na hindi pinahintulutan ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong Biyernes, Disyembre 20, ang petition for bail na inihain ng sinibak na Bamban, Tarlac mayor na si Alice Guo kaugnay sa kasong qualified human trafficking na inihain laban sa kanya.

Sinabi ng Pasig RTC na tinanggihan nito ang petisyon dahil malakas diumano ang ebidensiya na isinumite ng prosekusyon sa korte laban kay Alice Guo.

Kasalukuyang nakakulong si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Si Guo at iba pa ay kinasuhan ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyenda ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

Ang kaso ay nag-ugat sa isinagawang pagsalakay sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban noong Hunyo, kung saan mahigit 800 Pilipino at dayuhang trabahdor ang nailigtas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *