Muling nakakuha si House Speaker Martin Romualdez ng overall trust rating na 61 porsiyento at overall performance mark na 62 porsiyento, ayon sa bagong survey ng OCTA Research.
“I am deeply thankful to our people for this gesture, which will inspire us to continue to work hard and even work harder for them. Thank you for your trust and for your approval of the work we do. The ratings reflect not just trust in me but confidence in the collective work of my colleagues in the House of Representatives,” ayon kay Romualdez.
Nagpakita ang survey, na isinagawa mula Setyembre 4 hanggang 7, ng may 58 porsiyentong trust rating si Speaker Romualdez sa National Capital Region (NCR), 68 porsiyento sa Balance of Luzon (BL), 62 porsiyento sa Visayas at 48 porsiyento sa Mindanao.
Pumalo ang overall performance mark ng House lider sa 62 porsiyento, na may 61 porsiyento sa NCR, 68 porsiyento sa BL, 66 porsiyento sa Visayas, at 45 porsiyento sa Mindanao.
Isinagawa ang survey sa isang face-to-face approach na may 1,200 respondents sa buong bansa, at may ±3 porsiyentong margin ng error sa 95 porsiyentong confidence level.
Lubos naman ang pasasalamat ni Speaker Romualdez sa sambayang Pilipino para sa kanilang tiwala sa kaniyang tungkulin bilang pinakamataas na pinuno ng Kamara de Representantes.