Patuloy ang pagtaas ng trust at performance ratings ng Kamara de Representantes, nakapagtala ng 62.2% Index of Governance (IOG) rating, kumpara sa 36.1% ng Senado, ayon sa pinakahuling ‘Boses ng Bayan’ survey ng RPMD Foundation Inc..
Nakapagtala ang Kamara ng 62.2 porsiyentong Index of Governance (IOG), na binubuo ng 61.8 porsiyentong trust rating at 62.7 porsiyentong performance rating. Malayo ito sa 36.1 porsiyentong IOG na naitala ng Senado.
Ayon sa survey, nakatulong sa mataas na marka ng Kamara ang institutional stability, maayos na koordinasyon ng mga mambabatas, at mas mabilis na pagpapasa ng mga panukalang batas, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III.
Binanggit din ng mga respondents ang mga programang nakabatay sa pangangailangan ng mga distrito bilang isa sa mga dahilan ng mataas na kumpiyansa sa Kamara.
Isinagawa ang survey nitong Mayo 20-25, 2026 at mayroong 2,500 respondents sa buong bansa.
