Pinatutsadahan ni dating Senador Leila de Lima sina Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Senator Christopher ‘Bong’ Go sa isinusulong nilang Senate version ng imbestigasyon sa extra judicial killings ng mga pinaghihinalaang drug personalities kung saan silang dalawa mismo kasama ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isinasangkot ng mga testigo na dumalo sa mga serye ng House Quad Committee hearings.

“Alam naman natin kung bakit nila naisip ito, sina Senator Bato, Senator Bong Go, na kapwa malapit kay President Duterte,” sabi ni former Senator Leila de Lima.

Maging si Duterte, na itinuturong utak sa mga serye ng pagpatay sa mga drug lords noong kanyang termino, ay hindi rin pinalagpas ni De Lima nang sabihin ng una na handa siyang humarap sa Senate hearing kung siya ay ipatatawag para ihayag ang kanyang panig.

“Kung maiisipan niyang (Rodrigo Duterte) pumunta sa Senate hearing, dapat pumunta rin siya sa Quad Comm ng House of Representatives. Matagal na siyang iniimbitahan,” giit ni de Lima sa panayam ng Teleradyo Serbisyo ngayong Huwebes, Oktubre 17.

“Siguro nakikita niya na ang lumalabas d’yan sa Quad Comm ay talagang naiipit na siya. Kaha he needs now another forum na dun naman niya ilalahad ang lahat ng gusto niyang sabihin,” dagdag ni De Lima, na dating nakulong subalit kalaunan ay pinalaya rin ng korte nang isangkot ng administrasyong Duterte sa illegal drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *