Tinitingnan ng pulisya ang testimonya ng mga dating pastoral ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na nagsiwalat sa pagkamatay ng ilang kasamahan nila na kagagawan diumano ng tinatawag na “Angels of Death” ni Apollo Quiboloy, sabi ni Col. Hansel Marantan, hepe ng Davao City Police Office, nitong Huwebes, Setyembre 19.

“Quiboloy brought them to KJC compound to convert them to be pastorals of the innermost circle but before you can be members of the innermost circle, you have to undergo such sexual activities and I call it rap*,” ayon kay Marantan.

Ipinahayag pa ni Marantan na nasa 13 hanggang 15 taong gulang pa lamang ang mga biktima nang umano’y inabuso sila ni Quiboloy.

Karamihan sa kanila ay nagmula sa mga broken families at sa kanilang pagnanais na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, humingi ng tulong sa Children’s Joy Foundation, na nag-aalok ng libreng edukasyon para sa mga bata.

Sinabi ni Marantan na naghahanda silang magsampa sa korte ng ilan pang mga reklamo laban kay Pastor Apollo Quiboloy kasunod ng mga bagong testimonya.

Nahaharap si Quiboloy sa kasong sexual abuse, child abuse, at human trafficking sa korte ng Quezon City at Pasig City. Napilitan siyang sumuko nitong Setyembre 8, habang inihahanda ng mga pulis ang pag-atake sa Bible school building kung saan siya nagtago sa loob ng KJC compound.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *