Sa isang pahayag noong Linggo, Setyembre 15, hinimok ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon si Senator Joel Villanueva na obserbahan ang ‘parliamentary courtesy’ matapos nitong magkomento ukol sa pagtatapyas ng Kamara sa budget ng Office of the Vice President (OVP).

“Darating din naman ito (OVP budget) sa Senado so pwedeng doon niya ipahayag ang kaniyang mga saloobin. Kasi pag ngayon siya magsasalita laban sa desisyon ng House… Pangit po tingnan and we ask out dear Senator to refrain from making statements to the media,” pahayag ni Acidre.

Ayon kay Acidre, dapat ay pagtuunan muna ng pansin ni Villanueva ang pagsasaayos ng kaniyang mga argumento oras na talakayin mula sa Senado ang proposed 2025 budget, imbes na batikusin nito ang Kamara.

Para naman kay Bongalon, paglabag sa inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng Kamara at Senado ang ginawang komento ng senador. Aniya, “each chamber has its autonomy, and we expect the Senator to respect the House’s jurisdiction in the same way that we respect the Senate’s role.”

Dagdag pa ni Bongalon, dapat ay idirekta na lamang ni Villanueva ang kaniyang mga pag-aaalala sa mga kapwa nito Senador, imbes na sa mga miyembro ng House of Representatives.

Noong Biyernes, Setyembre 13, kinwestiyon ni VIllanueva ang pagkaltas ng higit P1 bilyon ng Kamara sa budget ng OVP, at iginiit na dapat ay pairalin ang tradisyon ng pagbibigay ng parliamentary courtesy sa budget ng OVP bilang ikalawang pinakamataas na opisina sa bansa.

Ulat ni John Carlo Caoile

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *