Matapos ulanin ng batikos dahil sa paglalabas ng pixelated o blurred mugshot photo ni Apollo Quiboloy at apat nitong kasamahan, isinapubliko ngayong Martes, Setyembre 10 ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang malinaw na larawan ng limang arestadong personalidad na kita ang kanilang mukha.

Kumpleto ang inilabas ni Abalos ang malinaw na larawan ng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy at apat niyang kasamahan na naaresto sa KOJC compound nitong Linggo.

“No one is above the law,” giit ni Abalos.

“Ito po ang opisyal na mugshot nina Apollo Quiboloy at iba pa, kaugnay ng kanilang mga kinakaharap na kaso sa ating bansa,” dagdag niya.

Una nang dumepensa ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasapubliko ng pixelated mugshot ng grupo ni Quiboloy upang mapangalagaan ang karapatan ng mga akusado habang hindi pa napapatunayan na sila ay “guilty” sa mga kasong kanilang kinahaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *