Dinepensahan ni Senator Robin Padilla si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa matapos umani ng batikos ang huli dahil sa paglaglag kay Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na pinatalsik bilang Senate president.

“Ako ang acting president ng PDP. Alam ko kung anong nangyari sa aming bloc. Sa aming bloc, hindi pwedeng maghiwa-hiwalay. Kung anong boto ng isa, yan boto ng lahat,” sabi ni Padilla.

Si Dela Rosa ay sinasabing kaalyado ni Senador Juan Miguel Zubiri, ang hinalinhan ni Escudero. Nakita pa siyang umiiyak sa session hall nang patalsikin si Zubiri bilang Senate president noong Mayo 20.

“Siyempre nanaig ang pagiging party man niya, kasi yan adhikain ng PDP. Kailangan sumunod ka sa sinasabi ng partido. Kaya ang artista bloc o anong bloc yan, hindi po. Partido naming PDP,” ani ni Padilla.