Inaresto ng pulisya ang 25-anyos na modelong si Shervey Torno ng Navotas City dahil sa kasong sexual assault, sabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico A. Maranan.

Ayon sa ulat ni Maranan, bandang alas-7:30 ng gabi noong 11 Abril, sa Francesca Towers, Brgy. South Triangle, Quezon City, matapos kuhain ang laundry ng biktima na isang “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez, sumabay sa kanya ang suspek sa kanyang paakyat sa 8th floor habang si Torno ay sa 11th floor.

Paglabas ng biktima sa elevator sa 8th floor sinundan siya ng suspek sa kanyang unit. At pagdating sa pintuan, nakita ng biktima ang suspek na papunta sa dulong unit.

Nagmamadaling pumasok ang biktima sa unit at isinara ang pinto sa likod niya, maya-maya ay nakarinig siya ng katok. Pagsilip niya nakita niya ang suspek sa labas.

“Anong Facebook mo ‘te, ang ganda mo kase, kiss nga,” sinabi ng suspek sabay dakma sa baywang ng biktima.

Agad namang itinurn-over sa Kamuning Police Station 10 ang suspek para sa kaukulang imbestigasyon.

Nahaharap ngayon si Torno sa mga kasong sexual assault sa Quezon City Prosecutor’s Office.