Pumanaw na si dating senador Rene Saguisag, na dating tagapagsalita ng yumaong Pangulong Corazon Conjuangco Aquino matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution, sa edad na 84.

“As we mourn his loss, we take solace in the enduring impact of his legacy. Rene Saguisag was a dedicated public servant, and his tireless endeavors as a human rights advocate, senator, and writer stand as a testament to his unwavering commitment to justice, truth, and democracy,” ayon sa statement na ipinost ng pamilya Saguisag ngayong Miyerkules, Abril 24.

Ang pagpanaw ni Saguisag ay kinumpirma ng kanyang pamilya sa social media ngayong Miyerkules, Abril 24, bagamat hindi sila nagbigay ng karagdagang detalye sa naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

“We are grateful that, in his final months, he was able to spend time with relatives, friends, and countless supporters. He passed away knowing that he was much loved and respected,” ayon pa sa pamilya Saguisag.

Si Saguisag ay dating tumayong lider ng oposisyon noong kasagsagan ng Martial Law na ipinatupad ng rehimen ng yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

Sumama ang dating senador sa Free Legal Assistance Group (FLAG) na tumulong sa mga political prisoners noong termino ng ama ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.