Pinarangalan ang Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) ng Best Privatization Award sa Triple A Sustainable Finance Awards 2024.

Ang esteemed recognition ay nagpapatibay sa posisyon ng MPIC bilang isang lider sa sustainable finance sa larangan kalakalan. Kinilala rin ang dedikasyon ng MPIC sa paghikayat sa kapaki-pakinabang na pagbabago sa aspeto ng negosyo.

“The Triple A Sustainable Finance Awards showcase the profound influence of sustainability in financial thinking, and we are honored to be acknowledged for Best Privatization. This inspires us to continue pursuing positive change in the way we do our finances,” ayon kay Manuel V. Pangilinan, Chairman, President, and CEO of MPIC.

Kinilala ang Triple A Sustainable Finance Awards sa pagtukoy sa kahusayan ng mga kumpanya sa banking, finance, treasury, technology, investments, at capital markets, kilalanin ang mga katangi-tanging hakbang ng mga korporasyon, institusyon, at indibidwal na nagtataguyod ng sustainable at responsible financial practices.

Namumukod-tangi ang award-winning na transaction ng MPIC bilang isang tagumpay sa finance landscape at nagsisilbing puwersang pangganyak para sa future privatization endeavors worldwide.