(Photo courtesy by Philippine National Railways)

Simula ngayong ika-31 ng Hulyo, 2023, balik-operasyon na ang Philippine National Railways (PNR) sa biyaheng Naga at Ligao sa Bicol region.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) kung saan ilalaan ng PNR ang dalawang biyahe ng tren kada sa nasabing ruta.

Aarangkada ang tren mula Ligao City papuntang Naga City tuwing ala-5:30 ng umaga para sa unang biyahe. Samantala, ang ikalawang biyahe ay nakatakda tuwing ala-5:30 ng umaga kung saan pabalik naman ang ruta.

Itinakda ng train company ang pasahe para sa Naga-Ligao route sa P105 kung saan papatak naman ito sa P84 para sa 20 porsiyentong diskuwento kung mayroong senior citizen/PWD card.