Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang desisyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na dagdagan ang benefit package para sa mga breast cancer patient, kasabay ng paggiit nito na palawigin ang iba pang health package at serbisyong ibinibigay nito kasama ang proseso para sa early detection ng nakamamatay na sakit.
“We applaud PhilHealth for its substantial increase in support for breast cancer patients, marking a significant stride towards advancing healthcare,” ani House Speaker Martin Romualdez.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos na ianunsyo ng PhilHealth na itinaas ng 1,400 porsyento ang “Z benefit package” para sa mga breast cancer patient, na nangangahulugan na mula P100,000 ay magiging P1.4 milyon na ang halaga ng benepisyong ito.
“Moreover, expanding other benefits and services, particularly in early cancer detection for timely interventions, is essential to ultimately enhance accessibility to cancer care and for addressing other diseases,” dagdag pa nito.
“The decision of PhilHealth to increase the benefit package for breast cancer patients is a commendable move as it will undoubtedly alleviate the financial burden faced by patients and their families during their battle against this life-threatening disease,” saad pa ng lider ng Kamara.