Iginiit ng pamilya ni Jaclyn Jose na walang nangyaring foul play sa pagpanaw ng 59-anyos na premyadong actress nitong Sabado, Marso 3.

“The family opted not to further open, discuss the case. Naniniwala po sila, convined naman po sila na wala pong foul play,” sabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Sinabi ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), umapela rin ang pamilya ni Jaclyn ng private moments habang kanilang ipinagluluksa ang biglaang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Bigo naman si Fajardo na banggitin ang naging sanhi ng pagkamatay ni Jaclyn Jose (tunay na pangalan ay “Mary Jane Guck”). Ang kanyang pagpanaw ay kunumpirma ng PPL Entertainment nitong Linggo.

Naiwan ni Jose ang kanyang dalawang anak – Andi Eigenmann at Gwen Garimond. Si Jose ang unang Pinoy at Southeast Asian na pinarangalan bilang “best actress” ng Cannes Film Festival Award sa pelikulang “Ma’ Rosa” ni Brillante Mendoza.