Arestado ang isang 34-anyos na lalaki na nagbebenta umano ng ilegal na droga gamit ang isang dating app.

Nasakote ng mga pulis ang suspek sa isinagawang ng buy-bust operation sa isang hotel sa Cubao, Quezon City, Miyerkules ng gabi, Hulyo 26.

Ayon sa mga awtoridad, Marso ngayong taon nang makarating sa kanila ang impormasyon na nagbebenta umano ng liquid shabu ang suspek sa isang dating app.

Ini-inject umano ang droga sa sa katawan ng parokyano bago makipagtalik para mas ganahan at tumagal ang mga ito.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang hiringilya at sachet ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P15,000.

Ayon sa ulat, kinasuhan ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.