Wagi sa pangalawang pagkakataon ang PLDT High Speed Hitters laban sa Nxled Chameleons sa score na, 25-17, 25-23, 25-22 sa PVL All-Filipino Conference na ginanap sa PhilSports Arena noong Martes, Pebrero 27.

“Happy na medyo natuloy namin ‘yung momentum from last game, pero ayun nga, marami pa ring aayusin. Mabigat ‘yung next na kalaban, mga susunod na kalaban, so magpi-prepare pa kami,” sabi ni coach Rald Ricafort.

Inuwi naman ng team captain na si Kath Arado ang Player of the Game honors dahil sa kanyang 29 digs at 12 receptions.

“Sobrang happy po kasi siyempre ‘di naman talaga basta-basta ‘yung team na Nxled. Pinaghirapan din nila tsaka pinag-aralan kasi talaga namin sila so nag-pay off lang ‘yung tinuturo ng mga coaches namin,” pahayag ni Kath.

Maglalaro ulit ang PLDT ngayong linggo, kakaharapin nila ang Petro Gazz Angels ngayong Sabado, Marso 2 sa PhilSports Arena sa Pasig.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern