Kasama ng Olympic champion na si Hidilyn Diaz ang asawang si Julius Naranjo sa kanyang pagsasanay sa Jalajala, Rizal bilang paghahanda para sa Paris Summer Games ngayong taon.

“We chose this place because it’s like Malacca in Malaysia,” paglalarawan ng unang Pinoy Olympic gold nedalist na si Hidilyn Diaz sa bayan ng Jalajala sa Rizal.

Habang naghahanda si Diaz para sa nalalapit na Olympic qualifiers, inaayos na rin nila ang Hidilyn Diaz Weightlifting Academy na itatayo sa lupang binili nila sa probinsya.

Sasabak sa competition sa Phuket, Thailand sa Abril 3, si Diaz ay pampito sa Olympic qualifying rankings ng International Weightlifting Federation (IWF) at kailangang manatili sa Top 10 upang maging qualifier sa Thailand.

Ulat ni Erika May Lagat /Intern