Nag-post ang actor-host na si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram ng sweet photos nila ng asawang singer-actress na si Sarah Geronimo, kalakip ang mensahe niya para sa kanilang fourth wedding anniversary.
“4 years of ‘WOW!’ Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained,” mensahe ni Matteo Guidicelli sa asawang si Sarah Geronimo.
“Looking forward to many many more years, forever,” dagdag ni Mateo. “I love you. Thank you for being you”.
Ikinasal sina Matteo at Sarah noong Pebrero 2020, na naging malaking kontrobersiya matapos na magkaroon pa ng sakitan at eksenang sumugod ang ina ni Sarah, si Mommy Divine, sa venue ng simple at palihim na kasalan.
Ulat ni Erika May Lagat